Secret Love - #1ep
Nakatulala si Destinee, walang pakialam sa mundo. May hanging na dumaan sa kanyang mukha ng bigla syang nagising sakanya panaginip. Tinignan nya ang kanyang alarm clock.
Destinee: Hay ano ba yan.. Alas seis palang pala eh! (kinamot nya ang kanyang ulo at tumayo na nag punta na sya sa banyo para humanda sa first day of school in high school. )
Sobrang excited si Destinee since nung gabi pa. Everything is perfect on her first day. Everything is planned, madami din syang kakilalang seniors from her Ate’s barkada. Destinee is 13 years old, her hometown was in Philippines pero 3 years ago she and her Ate leave Philippines for better study. They never really forgot theyre language, tagalog sila sa house and for some ocassional pinoy parties. Pagkatapos maligo ni Destinee hinug nya ang Mommy nya from behind
Destinee: MOMMY! ambango ko na ba!?
Vanessa (her mom): Aba! excited na excited tlga tong anak ko ah! tignan ko nga uniform mo!
Destinee: (umiikot parang model para pakita yung uniform nya) bagay ba Ma?
Vanessa: bagay na bagay! (thumbs up) Gisingin mo na si Ate Gaby mo.
Destinee: OK! (tumakbo sa taas dun sa kwarto ng Ate nya)
Si Gaby or Gabrylle for short ang ate ni Destinee super close sila never silang nag away pero minsan konting tampohan pero bati kaagad. Best Friends sila alam lahat ng detalye sa isa’t isa mula sa crush to love. Lalo na si Destinee maraming alam sa ate nya. Pero never nya itong na spill to anyone.
Destinee: (tumalon sa kama ni Gaby) (binulong sa tenga: Ate time to wake-up time to see Max)
Gaby: (napa-tuwa)
Eto lagi ang pang-gising ni Destinee sakanya. Si Max ang crush ni Gaby at eto din ang pangalan ng kanyang yakap-yakap na teddy bear
Gaby: (binato ng unan) ano ka ba! excited ka naman makita si Albie mo eh!
Destinee: Hinde no! syempre excited ako kase same school na tayo! atsaka ng best friend ko!
Gaby: (tumayo na, nag punta sa toilet pero hinde sinara masyado ang pinto para makapag usap sila) Ay nako, binobola mo pa ko! hinde na yan talab sakin, wala ka bang bago?
Destinee: Ate naman eh! Hinde ko namang crush yung Albie na yun. Nakaka-sira nga ng araw yun.
Gaby: haaaay iba talaga ang inlove!
Destinee: (tumawa) pustahan tayo. Hinde ko nga gusto yung unggoy na yun!
Gaby: weeh? nag jo-joke ka ba? hinde mabenta!
Destinee: hay nako! (nag-punta sa may make-up table ni Gaby tumingin sa salamin) ATE! pano ba to’ gamitin? tong eyeliner atsaka mascara?
Gaby: (lumabas na tapos ng mag-shower pero naka twalya paren) kitams! nagpapaganda pa oh! Des okay lang yan. Gaganda ka ren katulad ko…
Destinee: (tumawa ulet) wag na nga. kulutin mo nalng buhok ko, usapan kasi namin ni Ree mag kulot kami sa first day
Gaby: sige ba!
Vanessa: (from downstairs) GABY! DES! ALMUSAL NA!
Destinee: bilisan mo teh kukulutin mo pa ko tara na!
Gaby: ou sige mag uniform lang ako! mauna ka na.
Destinee: (bumaba na)
habang kumakain nag-tatawanan silang mag-iina. Pagkatapos kumain kunilot ni Gaby si Destinee, mas lalo syang gumanda.
(asa school na habang naglalakad papunta sa gate)
Destinee: Ate ayun na si Max oh! (tinuro)
Gaby: huy! wag ka ngang magturo dyan! hinde ka naman teacher! (tumawa)
Destinee: ang co-corny naman ng jokes mo! tignan mo nga ikaw lang yung tumatawa!
nakasalubong nila si Desiree best friend ni Destinee.
Desiree: DES!!
Destinee: UY! REE!
Gaby: hey Ree!
Desiree: Hey ate Rylle!
Destinee: iba den yung trip nyo no! Rylle ka dyan! Ariel yung detergent?
Desiree: Des naman! walang basagan ng trip dito!
Gaby: onga! Kayo nga para kayong mga tanga mag best friend ba naman, tapos ang pangalan nyo Destinee and Desiree kaya nga nalilito mga tao sainyo!
Destinee: Ate kakasabi nyo palang ah, trip trip lang to!
nakasalubong din nila ang best friend ni Gaby. Si Lorraine pero Raine ang tawag sakanya
Gaby: (hinug) RAIIINNEEEYY!
Raine: (hugs) RYLEEEEYY!
Destinee: ay? one year di nag kita? nag sleep over palang tayo nung friday ah.
Raine: (na-tawa) ikaw talaga napaka taklesa mo!
Desiree: uy! Des si Albie oh!
Destinee: ano ngayon? pakialam ko dyan.
Gaby: ay playing hard to get ka teh?
Destinee: hinde no.
Raine: yiee. kinikilig na ko Des!
Destinee: Ate Raine, hinde ko yan gusto
Gaby: hay nako. Kabataan nga naman! sige alis na kame ni Raine punta na kame sa tropa. Basta kayong dalawa walang iwanan ah. Pag-nawala kayo punta kayo sa dzbb manawagan kayo.
tawanan silang lahat. Umalis na si Gaby and Raine.
Desiree: Des, papunta dito si Albie..
Destinee: ay nako,umagang umaga my nightmare starts nanaman!
Albie: Hi miss masungit! kumusta summer holidays?
Destinee: Pwede ba! first day of school to oh! maawa ka naman, sira na agad araw ko oh. ayan wala na uulan na nyan
Albie: (tumingin sa sky) OA mo naman, ang araw oh. Sakit mong magsalita!
Destinee: ay ganon? edi wag mo kong kausapin!
Albie: eh pano yan? mag-kaklase tayo sa halos ng subject mag-katabi pa. hinde mo ba nakita yung seating plan na mail kahapon? (naka-ngiti)
Destinee: (pinipigilan yung galit) HAAAAY! (nag-walkout)
Desiree: (sumunod)
Albie: (tumatawa)
Destinee: isa nalang talaga ah! mapupuno na ko jan sa Albie na yan!
Desiree: Ang cute nga nya eh
Destinee: oh my god! CUTE!? san banda?
